" PLASTIC "
Nagtataka ka ba kung bakit malayo ako
Naguguluhan ka ba kung bakit lumalabo ang tingin mo
Natatakot ka ba na baka hindi pala totoo
Ang iyong nadarama pala ay pawang guni-guni
Ang iyong kapalaran pala'y iba sa iyong inaasam
Bakit hindi mo masambit ang tunay na hangad mo
Sa iyong mga mata'y tila may sinasabing taliwas
Taliwas sa ipinapakita mo
Sa mga kilos mong hindi naman pala totoo
Sa mga galaw mong hindi pala bukal sa puso mo
Marami na ang nakakasaksi
Sa hangarin mong tunay palang marumi
Ibang-iba sa ipinahahayag mo sa amin
Ibang-iba sa sinasabi ng iyong salamin
SINO KA BA?
HINDI MO BA NAITANONG SA SARILI MO 'YAN?
SINO KA BA?
Wednesday, October 31, 2007
|
Labels:
A Play of Words,
Random Thoughts
|
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Music links
No walls. No glass. No hype. no pretenses. Just Me.
0 comments:
Post a Comment