INGAY!!!
Natotorete sa boses mong tunog lata
Hindi mo pansin na ang lahat tingin sayo'y isdang malansa
Akala mo kung sino ka kung umasta
Daig mo pa ang isang artista
Hindi mo batid na lahat ay natotorete
Sa boses mong sinlakas ng sinturon ni hudas
Wala kang pakielam sa mga tao sa paligid mo
Pakiramdam mo'y pag-aari mo ang buong kwarto
Ang sanhi ng ingay lahat ay galing sa'yo
Maruruming salitang lumalabas sa bibig mo
Hindi ka prinsesa, gaya ng sabi mo
Mas malinis pa ang pulubing tahimik kesa sayo
*para sa opismeyt kong ubod ng ingay
Thursday, March 05, 2009
|
Labels:
A Play of Words,
Random Thoughts
|
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Music links
No walls. No glass. No hype. no pretenses. Just Me.
0 comments:
Post a Comment